Thanks to Jun Asis for sending me this touching story.
Losing a pet is very difficult—I know that for a fact. It’s devastating, and even makes you wonder if the pain will ever end. I’m doing better now (much better than my crying-every-hour state the first week Sheero passed away), but I still get pangs of sadness (and tears) whenever I remembered fun times with Sheero. It’s hard not to—I’ve lost my furry best friend.
Below is a touching story by Jun Razal, which tries to make sense of the passing of his beloved Shih Tzu, Budoy.
Paalam Budoy
Linggo. Mga bandang alas seis ng umaga nang pumutol sa aking mahimbing na pagtulog ang kiriring ng telepono. Si Dok. “Mr. Razal, bumigay na siya”, malungkot niyang ibinalita sa amin. “Wala na siya”, sabi ko sa aking asawa. Kagabi lang, dinala naming siya sa doktor – emergency! First time naming mag-asawa na nalagay sa ganung sitwasyon. Nangingisay na parang may epilepsy ng datnan namin siya sa bahay. Tirik ang mga mata at nahihirapang huminga. Natulog kaming may pagasa na lalaban siya at okay na siya uli. Ang tawag na ito ni Dok ang nagwakas sa aming kakarampot na pag-asa na mabubuhay pa siya. Hindi na pala. Wala na siya. “Kelan mo kukunin ang bangkay?”, tanong ni Dok. “Magsisimba muna ako, maya-maya mo na balikan”, dagdag niya. “Sige Dok, mga alas nuwebe ko kukunin”, sabi ko.
Sa unang reaksyon mo palang parang dedma ka lang. Manhid ka pa sa reality. Pag nagsimulang mag-sink-in at lalong-lalo na pag nag-flashback ang mga happy and fond memories saka unti-unting bubuhos ang luha mo. Papunta na ako kay Dok para kunin ang bangkay nang magsimulang manumbalik at maalala ko ang mga “fun moments” at memories nang maluha ako. Nakakahiya kay Dok kaya dahan-dahan ang pagmamaneho ko. Di ko rin alam kung paano ko siya ibabalik dito sa bahay. Ayaw kong makita siya sa ganoong kalagayan – isa nang malamig na bangkay. Kelangang tibayan ko ang loob ko. Kelangan di makita ni Dok na naiiyak ako. Ang baduy. Mukha akong gago!
Kasama ng mga “fun moments” at pag-papasenti ko yung mga realizations ko gaya ng – na ang nagpapatibay pala nang isang relasyon ay ang panahong walang pakundangang ibinuhos mo para sa minamahal mo – kahit di mo kaano-ano. Parang yung matagal ko nang favorite saying, na-experience ko siya in the flesh. Yung “It’s the time that you spent for your rose that makes your rose so important”. Hango ito sa librong “Little Prince”. Tsaka yung mga minamahal mo ay para silang mga rosas. Nagbibigay kaligayahan at tuwa ngunit sa kabilang dako, nakapagbibigay din ng lungkot. Ang rosas, sa kabila ng ganda at halimuyak nito, ay may tinik ding makakasakit at nakakatusok. For all its worth and warts, pag mahal mo ang isang tao, mahal mo rin kahit mga kahinaan at “flaws” nito.
Minsang tatanungin mo bakit kinukuha sayo ang minamahal mo nang walang paalam. Walang karason-rason. Tapos biglaan pa. Mahirap ipaliwanag ang kamatayan lalong-lalo na ang di-mo malirip na mga sapin-sapin na emotions na katambal nito. May pagsisi. Panghihinayang. Mga “sana”… maraming “sana” at katapat na mga “dapat”. Santambak na hindsights. Tapos wala ka naming mahagilap na saktong sagot. Siguro, may panibagong hamon. Siguro inihahahanda ka lang para sa iba pang mas makulay na mga bagay. Pinalalakas mo lang ang loob mo. Maraming mga probable answers na maiisip. Pag wala kang tiwala sa Kanya, marahil magiging atheist o agnostic ka sa sama ng loob.
Mahirap ang mawalan. Mahirap din ang naiiwanan. Kailangan mo pang magpagaling. May trauma. Magiging hesitant ka na ulitin uli ang experience. Kung pwede lang sana na lahat masaya. Eh di sana walang mamamatay. Magiging over-populated naman ang mundo tapos under-populated ang langit. Mawawalan ng meaning ang mabuhay dahil walang nang mga unknowns at mga mysteries na siyang nagbibigay hamon at kulay sa ating buhay.
Salamat Budoy. Mami-miss ka namin. Actually, miss na miss ka namin sa tuwing bubungad kami sa pinto at wala ka na nakatanghod at excited na kumakawag ang buntot. Di ko malilimutan yung kasama kita na nag-longtrip tayo papuntang San Fernando. Nung pinakalbo kita sa Tiendesitas at nanibago sa bago mong hitsura. Mamimiss ka rin ni cousin Ysa. Salamat sa walong buwan na “fun moments”. Maiksi pero maraming kang naituro kahit wala kang sinabi. Ang importance ng loyalty. Walang iwanan kaya palagi kang naka-buntot. Yung pagiging palaging expectant – na darating kami no matter what. Yung hindi nagkikimkim kahit minsan napapalo ka. Saka yung undying spirit mo na umakyat ulit sa 2nd floor kahit ilang beses ka nang nadulas at gumulong pababa ng hagdan. Isa kang dakilang pet dog. Wala kang katulad at mahirap kang palitan.
Langya ka, Budoy!. Aso ka lang pero pinaiyak mo kami! Dudoy ka!
[NOTE: It was said in our philosophy of man class that the souls of animals die when their bodies die. I wrote this article to make sense ang give meaning to the death of our very loving pet Shitzu named Budoy]
“It’s the time that you spent for your rose that makes your rose so important.” That is so true.
2 Responses to “Making sense of a pet’s passing”
I just lost my dog 3 weeks ago. She got away and I’m still aching from the loss. I know she couldn’t have gotten far, but all my efforts of finding her seems to be fruitless. I have been depressed for so long, and no one seems to understand how I feel. I’m at least comforted by the fact that my feelings are normal. Shih tzu din yun aso ko. Hay kung sino man sana nakapulot nun sana inaalagaan siya ng mabuti.
Hi, I was just browsing for dog related blogs and came across this article. Naiyak ako… I can so relate. I lost my maltese last month from a motor accident and it still hurts when Im reminded of him.
Nice site, by the way. I’m adding it in my blogroll.
Leave a Reply